Malinis na Hangarin

Malinis na Hangarin

May isang Panauhin na bumalik sa amin at kaagad nag-inquire ng Kaibigan Card Opisina dahil nakaraan ay naalok na siya ng ating Opisina Card. Ipinaliwanag ulit ni Probee Allen ang benepisyo ng ating card. Ang Panauhin ay isang newly-elected SK Chairwoman ng Tomana West, Rosales Pangasinan. Habang nag-uusap sila ni Probee Allen ay narinig ko na dito niya nais kumuha ng kanilang mga supplies dahil tayo ay hindi pinapayagan ang pandaraya sa ating mga resibo. “Ayokong mag-order sa ibang supplier kasi may pandaraya. Dito di ba hindi pwede yon?” Kaagad naming sinabi na “Yes, po, Maam. Hindi po allowed sa amin po iyon.” “Gusto ko ngang sabihin sa mga kasama ko na newly- elected na dito na lang din kumuha. Kasi kapag sa iba natuturuan sila na mandaya.” Masaya kami sa aming narinig hindi lang dahil nais niya sa atin bumili ngunit pati na rin sa kanyang mindset tungkol sa malinis na hangarin sa kanyang pamamahala. Pagkaalis ay nasabi ko na lang na sana ganito ang lahat ng mindset ng mga newly-elected na mga government officials.